Asukal sa bansa, sapat ang suplay ayon sa grupo ng local sugar producers

Asukal sa bansa, sapat ang suplay ayon sa grupo ng local sugar producers

SAPAT ang suplay ng asukal sa bansa.

Ito ang tiniyak ng United Sugars Producers Federation (Unifed) kasunod sa medyo pagtaas ng presyo ng asukal sa kasalukuyan.

Ayon kay Unifed President Manuel Lamata, noong nakaraang linggo lang nang dumating sa bansa ang suplay ng imported sugar.

Kamakailan ay sinabi ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenigildo Serafica na wala nang sapat na suplay ang bansa dahil apektado ito sa Russia-Ukraine war.

Apektado rin ang lokal na produksyon ng asukal dahil napinsala ito ng Bagyong Odette noong December 2021.

Ani Serafica, dahilan ng pagtaas ng presyo ang delayed na pagdating ng imported na asukal.

Subalit sa panig naman ng Unifed, Marso pa nang magbalik-operasyon ang mga sugar mill sa bansa at hindi aniya maaaring rason ang Bagyong Odette.

May 200,000 metric tons din na imported sugar ang dumating sa unang bahagi ng taon na ipinamahagi sa mga industrial company imbis na sa local traders.

Ang refined sugar ay nasa 80-90 pesos bawat kilo o mas mataas sa 50 pesos per kilo na suggested retail price.

Follow SMNI NEWS in Twitter