Atasha Muhlach, nagtapos na may karangalan sa isang university sa UK

Atasha Muhlach, nagtapos na may karangalan sa isang university sa UK

ISA pang milestone ang nakamit ni Atasha Muhlach, anak nina Charlene Gonzales at Aga Muhlach nang magtapos na with honors sa Nottingham Trent University sa United Kingdom.

Sa Instagram post ng kaniyang ina na si Charlene Gonzales, proud na proud nitong ibinahagi ang nakamit na tagumpay ng kaniyang anak.

Nagpaabot din ng mga pagbati online ang mga tagahanga, kapamilya at mga kaibigan ni Atasha.

Ngayong nakapagtapos na ng kaniyang pag aaral, tututukan naman ni Atasha ang show business na matagal na nitong pangarap.

Matatandaan na nitong Hulyo lamang ay pumirma si Atasha Muhlach ng kontrata sa VIVA artist agency.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter