Athletics team ng Pilipinas, determinadong matuldukan ang 3 dekadang “medal drought” sa Asia

Athletics team ng Pilipinas, determinadong matuldukan ang 3 dekadang “medal drought” sa Asia

DETERMINADONG matuldukan ang dekadang “medal drought” sa Asia ng athletics team ng Pilipinas.

Determinado ngayon ang Philippine athletics team ng bansa na makasungkit sila ng medalya mula sa nalalapit na Asian Games.

Ito’y upang matuldukan na ang tatlong dekadang “medal drought” o kawalang nakukuhang medalya ng athletics team.

Huling nakakuha ng medalya ang athletics team ng bansa noong 1994 sa katauhan ni “long jump queen” Elma Muros.

Ayon sa mga national coach na sina Isidro del Prado at Dario de Rosas, positibo silang maisasakatuparan ang target na ito ni pole vaulter EJ Obiena, long jumper Janry Ubas, heptathlon athlete Sarah Dequinan at triple jumper Ronnie Malipay.

Maliban sa mga nabanggit ay binubuo rin nina Robyn Brown, John Tolentino at Eric Cray ng hurdles event; Kristina Knott ng track-and-field; at William Morrison ng shot put ang athletics team ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble