MAGIGING super-alalay o assistant si Vice Presidential aspirant Lito Atienza kapag nanalong bise presidente.
Ito ang pagsasalarawan ni Atienza sa kanyang sarili kung mananalo siyang bise presidente ng kanyang running mate na si Presidential Aspirant Sen. Manny Pacquiao.
Sinabi rin ni Atienza na naniniwala siya kay Pacquiao kaya siya pumayag na maging running mate nito.
Bukod pa rito, walang hihingiing posisyon sa gobyerno si Atienza kundi ang magkaroon ng opisina sa Malacañang para madali lang ang komunikasyon.
Ayon pa kay Atienza, ayaw niyang maging Vice President kung iba ang mananalong pangulo lalo na kung si Vice President Leni Robredo o former Sen. Ferdinand Marcos Jr.