Atty. Busantog, nilinaw na may Act of Terrorism ang mga kalaban ng estado sa proscription case nito

Atty. Busantog, nilinaw na may Act of Terrorism ang mga kalaban ng estado sa proscription case nito

MATAPOS i-dismissed ni Judge Marlo Malagar ang proscription case laban sa CPP-NPA-NDF sa Manila RTC Branch 19 ay agad na nilinaw ni Atty. Marlon Busantog na illogical ang naging desisyon ng naturang judge.

Ilan lamang sa batayan ni Busantog kung bakit dapat tawaging terorista ang CPP-NPA-NDF ay dahil sa mga nagawang pamamaslang mula sa mga komunidad ng katutubo na siyang naghahasik ng takot sa lugar ay sapat nang tawagin na ‘act of terrorism’.

Dagdag pa ni Busantog bilang isang regional director ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)+, ang pamamaslang sa 21 IP leaders ay malinaw na halimbawa para magkaroon ng takot sa komunidad na taliwas sa sinabi ni Malagar na sporadic o pakonti konti lamang umano ang karahasan ng CPP-NPA-NDF sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter