ITINALAGA si Atty. Cheloy Garafil bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).
Isinagawa ni Garafil ang oathtaking sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ng Martes, Enero 10.
Bago naitalaga bilang secretary ng PCO, si Garafil ay nagsilbi munang OIC at Undersecretary ng tanggapan.
Nauna ring naitalaga ni Pangulong Marcos si Garafil na chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).