Atty. Gadon sa pagsusuot ng face mask, hindi magandang modelo —VP Robredo

Atty. Gadon sa pagsusuot ng face mask, hindi magandang modelo —VP Robredo

INIHAYAG ni Vice President Leni Robredo na hindi magandang modelo ang ginawa ni Atty. Larry Gadon sa pagsusuot ng face mask.

Ang pinatutungkulan ng pangalawang pangulo ay ang viral photos ni Atty. Gadon online kung saan makikita ang hindi nito tamang pagsuot ng face mask.

Mapapansin na idinikit lang ni Gadon sa kanyang face shield ang facemask.

“May nakita tayong model, Ka Ely, mali po iyon. Huwag natin susundin iyong nakita na modelo.” Vice President Leni Robredo

Ayon pa kay VP Robredo, mali ang ginawa ng abogado at huwag sundin ng publiko.

Sa kasalukuyan, ay inaantay pa ang reaksyon ni Atty. Gadon sa pahayag ng pangalawang pangulo.

Ngunit una na nang ipinaliwanag ni Atty. Gadon ang dahilan kung bakit ganun ang kanyang ginawa sa face mask.

Ani Gadon hindi siya naniniwala sa face mask.

“I don’t believe in mask outdoors, face shield is ok… mask may be good for small enclosed places like elevators or small conference rooms.” Atty. Larry Gadon

Paliwanag pa nito kung epektibo pa ang face mask bakit umabot sa mahigit 100, 000 ang nagka-COVID-19 sa Pilipinas at mahigit sa 2,000 ang namatay dito.

“If mask is really effective, how come there are more than 100,000 people afflicted with COVID? And more than 2K dead victims?” Atty. Larry Gadon

Dagdag pa ni Gadon, na ang mahalaga ay mapanatiling malusog ang pangangatawan at malakas ang resistensiya para hindi mapuruhan sa COVID-19.

“What is more important is your healthy body, your strong immune system.. NOT THE MASK.” Atty. Larry Gadon

Ang Department of Health lalo na ang World Health Organization (WHO) ay una nang nagrekomenda na makakatulong ang face mask na hindi kumalat o makahawa ang nakamamatay na coronavirus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.