Atty. George Garcia, ganap nang chairman ng COMELEC

Atty. George Garcia, ganap nang chairman ng COMELEC

OPISYAL nang inaprubahan ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Atty. George Garcia bilang chairman ng Commission on Elections (COMELEC).

Dahil sa pagiging ganap nito na chairman, magsisilbi sa COMELEC si Garcia hanggang February 02, 2029.

Kung matatandaan, noong Hulyo 22 ay nagpadala ng sulat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kung saan idinedeklara nito na si Garcia ang magsisilbing temporaryong tagapangasiwa ng COMELEC.

Bago pa man ito itinalaga bilang COMELEC chairman ay nagsilbi nang commissioner ng poll body si Garcia sa ilalim ng Duterte administration.

Follow SMNI NEWS in Twitter