Atty. Harry Roque, namahagi ng tulong sa Dinagat at Siargao Islands

NAMAHAGI ng tulong si Attorney Harry Roque sa Dinagat at Siargao Islands na naapektuhan ng bagyong Odette.

Bago ang araw ng pasko, ay nakiisa rin si dating Presidential Spokesman Harry Roque sa pamamahagi ng tulong sa Dinagat at Siargao Islands na naapektuhan ng bagyong Odette.

Personal na pinangunahan ni dating presidential Spokesman Harry Roque ang distribusyon ng relief goods sa Dinagat Province at Siargao, Surigao del Norte na kasama sa sinalanta ng bagyong Odette.

Sinabi ni Roque na nakapaghatid sila ng 7,600 food packs, 300 hygiene kits, at 500-gallon ng anim na litrong tubig sa mga biktima ng bagyo sa nabanggit na lugar.

Ang nasabing relief items ay mula sa iba’t-ibang donors.

Katuwang sa pamamahagi ng naturang Humanitarian aid ang Philippine Air Force, Philippine Navy, at Local Government officials ng mga naturang probinsya at syudad.

Pinasalamatan naman ni Roque ang private donors tulad ng Artopian Internationale, EA Nation, WTG Group, Marswin Trading, at isang anonymous donor sa kontribusyon ng mga ito para makapagbigay kaginhawaan at maipadama ang diwa ng kapaskuhan sa mga kababayang sinalanta ng kalamidad.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Roque sa typhoon aid coordination ng local officials sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, Agusan del Sur at Butuan.

SMNI NEWS