IPINAHAYAG ni Atty. Israelito Torreon ang kaniyang pananaw ukol sa pagtanggi ng Pasig court sa motion para sa TV interview ni Pastor Apollo C. Quiboloy, at tinawag itong “blessing in disguise.”
“Denied ang ating motion na ipa-interview si Pastor Quiboloy ng ABS-CBN. But it may be a blessing in disguise also, kasi nalaman natin kung ano ang mga requirement. We felt na enough na ‘yung motion natin. Magpa-file ulit kami ng motion, at ang ipa-file namin ay ‘yung sa SMNI ‘Sukatan’ na,” pahayag ni Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel, KOJC.