NAKIISA si senatorial candidate Atty. Jimmy Bondoc sa ilalim ng PDP-Laban sa proclamation rally ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy ngayong gabi.
Humahanga si Bondoc sa Butihing Pastor dahil sa nakikita niyang mga bunga nito—ang nagkakaisang mga miyembro ng KOJC.
Dagdag pa ang mga nagawang kabutihan nito hindi lamang sa kaniyang kongregasyon kundi pati na sa bansa.
Sa huli nananawagan ito ng buong suporta mula sa sambayanang Pilipino para sa kandidatura ni Pastor Quiboloy at sa buong PDP-Laban.
Muli rin itong naghandog ng awitin para sa mga dumalo.
Follow SMNI News on Rumble