Atty. Larry Gadon, hindi naniniwala sa mga kasong isinampa laban kay Pastor Apollo

Atty. Larry Gadon, hindi naniniwala sa mga kasong isinampa laban kay Pastor Apollo

HINDI naniniwala si Attorney Larry Gadon sa mga kasong isinampa laban sa Chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sa panayam ng SMNI news kay Attorney Gadon sinabi nito na gawain ng CIA at ng Estados Unidos ang magbintang at sirain ang dangal ng isang tao para sa kanilang sariling interes.

“Walang katotohanan iyan yang binibintang nila kay Pastor Quiboloy.  Gawain nyang CIA yan ang mambintang at manira ng dangal ng mga tao na labag sa kanilang mga interes,” ayon kay Attorney Gadon.

Inihalimbawa nito ang ginawang paninira at naging karanasan ng mga Marcos at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

‘’Halimbawa nalang dito si Presidente Marcos sinira din ng CIA iyan. Ganyan din ang ginagawa nila kay Pastor Quiboloy sapagkat si Pastor Quiboloy ay nakikita na pinagkakatiwalaan ng sambayanang Pilipino at siya ay kakampi ni Presidente Duterte at siya ngayon ay nag-eendorso sa Uniteam,’’ saad ni Gadon.

Naniniwala si Gadon na walang kasalanan si Pastor Apollo at isa itong mabuting tao.

‘’Ako ay naniniwala na tapat ang kanyang puso ang kanyang isipan at damdamin hindi ako naniniwala diyan sa paninira ng US ng CIA laban kay Pastor Quiboloy. Wala akong pwedeng paniwalaan niyan sapagkat kilala ko si Pastor Quiboloy isang mabuting tao,’’ paliwanag ni Gadon.

Ginawa ni Gadon ang nasabing pahayag kasabay ng pagbisita nito sa Bayan ng Sual, Pangasinan.

Follow SMNI NEWS on Twitter