Atty. Larry Gadon, itinalaga bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation

Atty. Larry Gadon, itinalaga bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation

ITINALAGA si Atty. Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Kasunod sa naging appointment ay inaasahan na maging kaisa si Gadon ng pangulo sa pagbuo ng mga stratehiya at polisiya na layuning malabanan ang kahirapan at mapaunlad ang vulnerable sectors ng lipunan.

Si Gadon ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science Degree in Management maging ang kanyang Law Degree sa Far Eastern University.

Naging managing partner rin ito ng Gadon and Associates Law Office at Associate ng Antonio Abad and Associates Law Office.

Naging chairman rin ito ng APU, Asiagroup Philippines; Vice President ng Kolonwel Trading Corp; at naging director ng Our Lady of Lourdes International Medical Center at Perpetual Help Hospital.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter