Atty. Panelo, hindi naniniwala na walang kinalaman ang ehekutibo sa impeachment complaint vs VP Sara

Atty. Panelo, hindi naniniwala na walang kinalaman ang ehekutibo sa impeachment complaint vs VP Sara

MARIING tinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may kumpas umano ng Palasyo ang pag-usad ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ito ng pangulo sa pulong balitaan sa Palasyo.

“No, the executive cannot have a hand in the impeachment. Walang role ang executive sa impeachment. Of course, did we discuss it with the Speaker, did we discuss it with the other congressmen? Of course. And that tinatanong, anong plano ninyo? Ano ba talagang gusto ninyong gawin? And the— nandito na ito, hindi na namin maiwasan. Well, you give me too much credit. But again, what the House has done is clearly within—is clearly the mandate that they have been—the Constitutional mandate that they have to proceed with the impeachment complaints,” ayon kay President Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon sa Pangulo, mandato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-aksiyon sa impeachment complaint.

Matatandaan na Disyembre noong nakaraang taon nang magkakasunod na inihain ng iba’t ibang grupo sa Kamara ang impeachment complaint laban sa bise presidente at kabilang na rito ang ilang miyembro ng makakaliwang grupo.

Pero kung si dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang tatanungin, malinaw sa pahayag ng pangulo na may alam ito sa impeachment complaint.

“Alam po ninyo, ‘yung sinasabi niyang walang pakialam o hindi makikialam ang executive sa legislative sa impeachment, well kung titignan mo ang Saligang Batas, talaga dapat wala kasi may kanya-kanya silang kapangyarihan. Powers allocated in the three branches of the gov’t kaya pwedeng sabihin. Pero ang reyalidad, ang katotohanan walang nangyayari sa Kongreso na hindi alam ng executive at walang magagawa ang mga naririyan hangga’t walang go signal ang Palasyo o ang presidente. Bakit? Kasi siya ang head of state, siya ang may legislative program kailangan ipasa ang lahat ng gusto niya,” saad ni Atty. Salvador Panelo, Former Chief Presidential Legal Counsel.

Ani Panelo, malinaw rin sa pahayag ng Pangulo na inamin nitong napag-usapan nila ng liderato ng Kamara ang planong pagpapatanggal sa puwesto sa bise.

“Tignan ninyo, inamin niya dyan binasa mo kanina na ‘of course, we talk about it. Oh we talk about it. Of course I ask them. Ano bang plano ninyo.’ Exactly. Ibig sabihin eh talagang meron kang alam Mister President,” giit ni Panelo.

Samantala, aminado naman ang pangulo na nagkonsulta sa kaniya ang kaniyang anak na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos sa magiging aksiyon nito sa impeachment laban kay VP Sara.

 “Of course, he did. And I said – it’s very simple what I told him. And he said, you know the—“Mukhang magpipirmahan na. What’s your opinion? What I should do?” And I told him, I said: “The process has begun.” So, sabi ko, “nandiyan na tayo,” sabi ko kay Cong. Sandro, sabi ko sa kanya, “The process has already begun. So, it’s your duty now to support that process. So, do your duty.” That’s what I told him, “Do your duty. You have to support the process. You are Constitutionally mandated to carry out that process. And you’re a congressman, so do your duty.” That’s what I told him. I didn’t know he’ll be the first to sign though,” ayon sa Pangulo.

At payo aniya nito kay Sandro na bilang mambabatas ay dapat nitong gawin ang kaniyang tungkulin at suportahan ang proseso.

‘Yun nga lang, di aniya nito inaasahan na siya ang unang pipirma sa impeachment na kung pagbabasihan ang mga naunang pahayag ng pangulo dito ay, mariin niyang tinututulan ito dahil magdudulot ito ng pagkakawatak-watak.

Dahil naman sa pagboto pabor sa impeachment ni Sandro, malinaw ani Panelo na nakita ang tunay na katayuan ng pangulo sa naturang usapin.

“Ngayong dahil ginawa ni Sandro na pumirma siya nangunguna pa pabor, ibig sabihin masisi mo ba ang taumbayan na pagdudahan ka. Hindi sinabihan mo iyan na pumirma ka diyan. Kasi tinanong ka na niya kung anong gagawin mo ang sagot mo, sang-ayon sayo ah Mister President na gawin mo ang duty mo.”

“Gaya ng sinabi ko na kapag ang posisyon mo ay binago mo o hindi mo binago ay makikita iyan sa mga susunod mong sasabihin after the impeachment have been filed at ito na nga nagsalita ka eh kitang-kita ngayon tuloy na talagang mula’t sapul ay alam mo,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble