AYON kay Atty. Salvador Panelo, dating Presidential Legal Counsel, si Pastor Apollo C. Quiboloy ay isang natatanging kandidato sa pagka-senador sa 2025, na bagamat hindi pa nakaupo sa Senado, ay mayroon nang mga panukalang batas para matugunan ang pangangailangan ng iba’t ibang sektor.
“Siya [Apollo Quiboloy] lang ang alam kong kandidato sa Senado na hindi pa senador, marami nang proposed bills para matugunan ang pangangailangan ng iba’t ibang sektor,” ayon kay Atty. Salvador Panelo, Former Presidential Legal Counsel.