SANG-ayon si dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na ibalik ang parusang bitay para sa sinumang gumawa ng karumal-dumal na mga krimen.
Kasunod ito sa sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na mainam kung maibalik ang parusang bitay para sa mga kaso tulad ng rape with homicide, robbery with homicide, kidnapping with murder, at drug trafficking.
Hindi namang napigilang ikumpara ni Atty. Panelo ang antas ng kriminalidad sa bansa ngayon at noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Samantala, isa rin si Sen. Robin Padilla sa mga politiko na pabor na patawan ng parusang kamatayan ang mga masasangkot sa karumal-dumal na krimen tulad ng grave rape cases.