Atty. Panelo, pinabulaanang stable ang gobyerno ngayon ni Bongbong Marcos Jr.

Atty. Panelo, pinabulaanang stable ang gobyerno ngayon ni Bongbong Marcos Jr.

HINDI naniniwala si dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na stable ang gobyerno ngayon.

“Oh, we’re quite stable. I mean, the government is functioning properly. Although there’s a lot of noise, that’s all it is. It’s all just noise,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Stable aniya ang lagay ng Pilipinas at nagagampanan din aniya ng gobyerno ang tungkulin nito sa mamamayang Pilipino.

‘Yan nga ang sinabi Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panayam ng media kamakailan.

Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang hamon sa ekonomiya at lumalalang isyu ng korapsiyon sa bansa.

Pero ang tila ang pagmamalaking pahayag na ito ni Marcos, Jr.—binara ni dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Sabi ng batikang abogado—kuwestyunable ang assessment ng Presidente.

“Eh unang-una kung stable, walang gulo sa pulitika. Walang nag-aaway na mga matataas na opisyales. Pangalawa kung stable ang gobyerno, ‘yung peace and order mo kontrolado mo. Pangatlo ‘yung terorismo at mga kalaban ng estado,” pahayag Atty. Salvador Panelo, Former Presidential Legal Counsel.

Ang P20 kada kilo ngang bigas na campaign promise ni Marcos Jr noong eleksiyon, nananatiling pangako hanggang ngayon.

“Pang-apat ‘yung kabuhayan mo, kung ang ekonomiya mo maganda, maganda ang kabuhayan pero the fact remains gaya ng inilalabas natin sa programang ito at sa iba pang plataporma nakikita na talagang naghihirap ang taumbayan sa pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at hindi makontrol ‘yun. Sa paano mo masasabing stable?” giit ni Atty. Panelo.

Hindi rin pinalusot ni Panelo ang independent foreign policy ni BBM kaya aniya tayo binu-bully ng China.

“’Pag dumating ka naman sa foreign policy natin, hindi rin stable kaya tayo binu-bully sa West Philippine Sea. Mali ang mga patakaran,” aniya pa.

May mga ginawa rin naman daw si BBM na hindi kapuna-puna.

Pero ang mga ito—hakbang na hindi naman nakakaapekto sa pang araw-araw na buhay ng mga Pilipino—tulad na lang ng isyu sa ICC.

“Ang tama lang na nakikita ko sa ginagawa ni Presidente Marcos Jr. ay ‘yung kaniyang foreign policy pagdating sa ICC—International Criminal Court na walang jurisdiction,” dagdag pa nito.

Sa huli, narito naman ang grado ni Panelo sa kasalukuyang Pangulo.

“By Large, talagang may malaking problema ang ating gobyerno sa ngayon,” giit ni Panelo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble