Atty. Panelo sa NBI: Hindi kailangang dumalo ni VP Sara sa inyong patawag

Atty. Panelo sa NBI: Hindi kailangang dumalo ni VP Sara sa inyong patawag

HINDI nakadalo si Vice President Sara Duterte sa NBI Headquarters ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 29.

Ito’y para kunin ang kaniyang panig sa rhetoric or conditional remark nito laban kay Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos at Speaker Martin Romualdez.

Sa halip, pinahaharap ng NBI ang bise sa Disyembre 11.

Hindi ordinaryong opisyal ang pina-subpoena ng NBI dahil ito ay ang ikalawa sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

Si VP Sara din ang most voted sa kasaysayan ng bansa na nakakalap ng mahigit 32 million na boto nitong 2022 national elections—’di hamak na mas mataas kumpara sa 31 million plus na boto ng dati nitong running mate na si Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Hindi rin isang idle official ang bise dahil araw-araw itong may trabaho kung saan ang karamihan ay matagal nang naka-schedule—mas nauna pa sa subpoena ng NBI.

Kaya para sa isang dating Presidential Legal Counsel, bakit pa pupunta ang bise sa NBI?

“Ano naman ang gagawin mo dun? Tatanungin ka lang anong masasabi mo rito? Ba’t ko pa sasabihin eh doon na lang ako sa piskal magpapaliwanag. Bat pa sa inyo?” saad ni Atty. Salvador Panelo, Former Presidential Legal Counsel.

Dagdag ni Atty. Sal Panelo, hindi naman korte ang NBI para mag-determina kung guilty ba ang bise o hindi?

Grave threats at posibleng paglabag sa Anti—Terrorism Act of 2020 ang tinitingnan anggulo ng NBI laban sa bise.

“Hindi naman talaga kailangang umattend diyan sa NBI. Kasi kung meron kayong kaso na gustong i-file eh e-file niyo na lang,” giit ni Atty. Panelo.

Malinaw para sa beteranong abogado na political persecution ang ‘all of government approach’ laban sa ikalawang pangulo.

Ang rason? Para iligpit siya bilang numero unong balakid ng mga Marcos at cronies sa 2028 presidential elections.

Suportado naman ni Panelo ang hakbang ni VP Sara na tanggihan ang mga bagong security detail ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSG).

Nauna nang pinalitan ang lahat ng VPSPG ni VP Duterte ng mga bagong sundalo at pulis—kahit hindi dumaan sa kaniyang approval ang mga ito.

Mga Pinoy sa Hong Kong, suportado si VP Sara; Pagtanggi sa mga bagong VPSG, tama lang—Atty. Panelo

“Mamaya ‘yun pa ang maging mitsa ng kaniyang buhay. ‘Di mo na alam, ‘di mo na mapagkakatiwalaan ngayon sinong pinapadala sayo,” ani Panelo.

Malakas sa OFW Community ang Uniteam nina VP Sara at BBM noong eleksiyon.

At ayon kay Atty. Panelo na ngayon ay nasa Hong Kong, Duterte pa rin ang sigaw ng ating mga kababayan doon.

“Doon sa Disneyland mga Pilipino doon isa lang sinasabi. Kay Duterte po kami, kahit anong mangyari sa kaniya kami. All of them are saying that,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble