PORMAL nang nanumpa bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Atty. Romando Artes.
Nanumpa ito sa tungkulin sa harap ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez nitong Lunes.
Bukod kay Artes, nanumpa rin ngayong araw si Deputy Chairman Frisco San Juan bilang general manager ng MMDA.
Sa kanilang mensahe, hinimok nina Artes at San Juan ang mga empleyado ng ahensya na ipagpatuloy ang paninindigan sa kanilang tungkulin at ang paglilingkod sa publiko.
Nagpasalamat din ang dalawa kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa pagkakataong ibinigay sa kanila.