Atty. Roque, hinikayat na “magbitiw” ang mga abogado na walang tiwala sa justice system ng Pinas

Atty. Roque, hinikayat na “magbitiw” ang mga abogado na walang tiwala sa justice system ng Pinas

HINIHIKAYAT ni Atty. Harry Roque ang mga kapwa abogado nito na magbitiw na kung hindi sila naniniwalang gumagana ang justice system sa Pilipinas.

Bilang tugon ito ng butihing abogado hinggil sa mistulang mas pagtitiwala ng iba sa International Criminal Court (ICC) na mag-imbestiga sa drug war campaign ng Duterte administration kung ikukumpara sa mismong justice system ng bansa.

Sinabi ni Roque na posibleng ang mga nagrereklamo na ito ay ang mga abogadong wala pang naipanalong kaso.

Samantala, ibinunyag ni Atty. Roque na sa loob ng 21 taon na pagkakatatag ng ICC, 31 pa lang na mga kaso ang nahawakan nito.

Mula sa 31 na kaso, 10 lang din ang natuloy sa paglitis at iisa lang ang convicted. justice system sa Pilipinas

Kung ikukumpara aniya sa Pilipinas, mas marami pang mga kaso at paglilitis ang nahawakan ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter