Atty. Roque, isinusulong na gawing ‘iligal’ ang fraternities sa Pilipinas

Atty. Roque, isinusulong na gawing ‘iligal’ ang fraternities sa Pilipinas

IPAGBAWAL at gawin nang iligal ang lahat na mga fraternity sa Pilipinas ayon ito kay Atty. Harry Roque.

Aniya, kahit amyendahan pa ang anti-hazing law ay hindi matitigil ang hazing dahil likas na ito sa ganitong uri ng samahan.

Kung magiging iligal din ito, sinabi ni Roque na hindi na makakapasok ang fraternities sa mga paaralan.

Mababatid na noong taong 2017 nang isinusulong ang pagbabawal ng fraternity subalit hindi nagtagumpay dahil miyembro din dito ang ilang nasa Kongreso.

Ngayon, ipinangangampanya ni Atty. Roque sa publiko lalong-lalo na sa mga estudyante na huwag nang sumapi sa mga ganitong samahan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter