Atty. Roque sa JMC Law graduates: Ang pagiging abogado ay hindi isang hanapbuhay

Atty. Roque sa JMC Law graduates: Ang pagiging abogado ay hindi isang hanapbuhay

PARA kay former Presidential Spokesperson Atty Harry Roque, isang hindi malilimutang araw para sa mga Law student ang araw ng kanilang graduation.

Ito ay dahil sa mga sakripisyo na ginawa ng mga mag-aaral sa loob ng walong taon bago makumpleto ang Juris Doctor.

Pero payo ni Atty. Roque sa mga graduate ng JMC College of Law – kailangan nilang paghandaang maigi ang Bar Examination dahil siguradong dadaan sila sa butas ng karayom.

Itinuturing nga niyang isang malaking katagumpayan ang ‘di basta-bastang training na kaniyang pinagdaanan sa isang Law school sa Pilipinas para maging isang ganap na abogado.

Kasunod nito’y ipinaalala niya sa mga graduate ang papel na gagampanan ng isang abogado sa lipunan.

“Lawyering in the Philippines is not just a profession while it is true that it is expected that it would be the main source of our livelihood. It’s more than a livelihood, it is a natural advocacy.”

“Ang pinasok niyo po ay hindi lamang isang propesyon na magbibigay sa inyo ng hanapbuhay, ito po ay isang dedikasyon na tayo ay maninindigan kung bakit meron tayong batas to begin with, nariyan ang batas,” ayon kay Atty. Harry Roque, Former Presidential Spokesperson.

Marahas na paglusob ng PNP-SAF sa JMCFI, KOJC labag sa batas—Roque

Samantala, binigyang diin din ni Atty. Roque kung bakit labag sa batas ang marahas na paglusob ng armadong PNP-SAF sa JMCFI at religious compounds ng Kingdom of Jesus Christ.

“Alam niyo naman ang nakasaad ng Rules of Court, alam ninyo ang nakasaad sa Saligang Batas, the right of the people to be secure in their persons, papers, places, shall be inviolable, no search warrant or warrant of arrest, shall issue except upon lawful order of a judge upon examination of witnesses particularly describe having the places to be searched and the items to be seized, ano po ang nangyari? Nilusob ang ating simbahan, nilusob ang ating paaralan ng batas na nagtuturo na walang kasing taas ng batas sa bayan na ito kundi ang Saligang Batas at ang batas ng Panginoon,” dagdag ni Atty. Roque.

Naniniwala si Roque na may aral pa ring ibinibigay ang marahas na insidente sa KOJC religious compounds noong Hunyo 10 sa mga JMC Law School graduates.

Naganap kasi ang ‘di makataong paglusob ng mga naka-full battle gear na kapulisan sa KOJC religious compounds ilang araw bago ang mismong graduation day ng mga mag-aaral.

Ito ay upang paalalahanan ang mga pumapasok sa karera sa abogasiya na hindi ito isang hanapbuhay kundi pagpasok sa isang larangan na nangangailangan ng paninindigan at katapangan para mabigyang katuparan ang Saligang Batas.

“Consider the June 10 incident a continuing challenge to all of you to be true to the calling of the law. We only speak of the constitution as the highest and fundamental law of the land but it cannot be so, if it remains in paper. It is not just the court that give life to the supremacy of the constitution that supremacy can only be achieve reality because of lawyers, because of agents of the court that will uphold the supremacy of our constitution that will uphold the supremacy of our bill of rights,” aniya.

NTC, walang kapangyarihan para suspendihin ang SMNI ‘indefinitely’— Roque

Sa harap ng mga JMC Law School graduates – sinabi ni Roque na ang ginawa niyang hakbang para isulong ang karapatan ng SMNI na pinatawan ng indefinite suspension ng mapang-abusong gobyerno.

Aniya, isa itong pagkakataon para ipakita na bilang isang abogado – hindi siya papayag na wala siyang gagawin patungkol dito.

“Our national politics presents serious challenge to the rule of law ang nakakatawa nga po nung panahon ng eleksiyon eh isa lang po ang istasyon na sumuporta dito sa administrasyon na ito, isa lang ang sinalihan niya ng debate dahil isa lang ang pinagkatiwalaan niya na magiging patas, ‘yan po ang SMNI, pero ano po ang nangyari? Kung sino pa ang nagtangkilik sa kung sino ang nakaluklok sa pwesto ngayon ‘yun pa ang kauna-unahang sinupil, kung sino pa ang nagbigay ng pagkakataon, makilala ang nakaluklok sa pwesto ngayon ‘yun pa po ngayon ang pinasara at binalewala ang prangkisa and in all these, lawyers will not sit down and take this doing nothing to suspend indefinitely our franchise on the basis, the NTC does not have such a power that ultimately it is the bill of rights that grants SMNI its freedom of the press, and not any license issued by the National Telecommunications Commission,” dagdag nito.

Samantala, nagpaabot naman ng mensahe si Pastor Apollo C. Quiboloy para sa JMC Law graduates na inihatid ni SMNI President Marlon Rosete.

“As future lawyers, you have the responsibility to uphold these principles, ensuring that justice is accessible to all, and not skewed by power or partial narratives. Your education has equipped you with knowledge and understanding of the law and a sharp analytical mind. Yet, it is your inner resolve and your commitment to ethical principles that will guide you through the complexities of your profession. Seek meaning in advocating for the marginalized, in pursuing truth, and in upholding the rule of law with love and fairness.”

Muling ipinaalala sa JMC Law School graduates ang naunang challenge na ibinigay ni Pastor Apollo C. Quiboloy, na siyang founding president ng JMCFI.

Sabi ng butihing pastor, may gantimpala ang sinumang makakakuha ng top spot sa Bar Exams. Tatanggap aniya ito ng brand new house and lot, brand new car at 1 million pesos.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter