Atty. Roque, tinawanan lang ang pahayag ni Cong. Lagman sa isyu ng speakership

Atty. Roque, tinawanan lang ang pahayag ni Cong. Lagman sa isyu ng speakership

TINAWANAN lang ni Atty. Harry Roque ang naging pahayag ng minorya sa Kamara na hindi pa aniya tapos ang isyu sa liderato ng Kamara.

Nagbigay-din ng payo si Atty. Roque sa House Speaker.

 “The drama in the House has not ended,” saad ni Rep. Edcel Lagman, Liberal Party President.

‘Yan ang inilabas na pahayag noong Miyerkules ni Liberal Party President at Albay Rep. Edcel Lagman.

Kasunod ng pagkakaroon ng rigodon sa leadership post nitong nakaraang linggo.

Dagdag pa ni Lagman, hindi basta palalagpasin ni Arroyo ang demosyon sa kaniya.

Bagkus, ay naghihintay lamang aniya ito ng tamang panahon para rumesbak.

 “Astute and experienced politician that she is, GMA will not take lying down her humiliating and insulting demotion. She may be biding her time to make a counteroffensive,” dagdag ni Lagman.

Sa programang Pulso ng Bayan sa SMNI nitong Huwebes, tinawanan lang ni Atty. Harry Roque ang tila pangingialam ng Albay congressman sa mga nangyayari sa mayorya sa Kamara.

 “Di ko alam bakit nakikialam ang minorya….(laughing) doon sa mga affairs ng mayorya,” pahayag ni Atty. Harry Roque.

“Yung kanilang numero diyan sa Kamara. So dapat yan ang tutukan niya. Wag niyang pakialaman ang nangyayari diyan sa mayorya,” ayon pa kay Atty. Roque.

Sinabi ni Atty. Roque na malayo umanong reresbak si Congw. Arroyo kay Speaker Romualdez dahil alam umano ni CGMA na wala siyang pag-asang manalo rito lalo na at pinsang buo ito ng pangulo at number one adviser pa nito.

“Hindi ko lang alam kung talagang tatangkain pa rin ni PGMA na maging speaker kasi ang aking assessment diyan eh beterano naman siya. Alam niyang wala namang kapag-a-pag-asa sa ngayon kung tataluhin si speaker,” ayon pa kay Roque.

“Ang tanong? Papayag ba si Presidente BBM na mawawala bilang speaker yung kaniyang pinsang buo at saka yung kaniyang number one adviser ngayon. Kasi ngayon kinikilala kong number one adviser ni PBBM, itong si Speaker Romualdez,” ani Roque.

Paliwanag pa ni Atty. Roque tanging ang pangulo lamang ang maaring makapaghikayat sa mga kongresista kung nais nitong palitan ang lider sa Kamara.

“Ang katotohanan kapag ang presidente nagsabi sige magpalit kayo ng liderato, susunod yan. Kasi yung mga kongresista ang kanilang habol at proyekto sa kanilang mga distrito. Eh proyekto naman talaga, maski dumadaan sa budget ang, sa Kongreso ang budget. Ang naglalagay niyan, ang nagpopropose niyan ay ehekutibo. So kapag ang kanilang proyekto, hindi napasama diyan sa proposal ng Malakanyang, tigok sila. Kasi wala silang maipapakitang proyekto sa kanilang constituent. Kaya presidente pa rin ang magbibigay ng basbas,” aniya.

Atty. Roque may payo kay Speaker Romualdez

Pero ngayon na may lamat na aniya ang samahan ng Uniteam, Payo ni Atty. Roque kay Speaker Romualdez na palakasin pa ang mayorya sa Kamara kasunod ng pangingialam ng mga mambabatas na hindi bahagi sa kanila.

“Eh ako yun ang ayaw na ayaw kung mangyari na kapag nasira ang samahan ng Uniteam baka makabalik na naman ang pwersa ng kadiliman,” ani Roque.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter