Aubrey Miles at Troy Montero, ibinahagi ang stem cell journey ng kanilang autistic na anak

Aubrey Miles at Troy Montero, ibinahagi ang stem cell journey ng kanilang autistic na anak

IBINAHAGI ng mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero ang stem cell journey ng kanilang may autism spectrum disorder na anak na si Rocket.

Sa kanilang YouTube Channel, ipinakita ni Aubrey ang proseso ng pagtuturok ng stem cell para mabigyan ng kaalaman ang kanilang followers patungkol dito.

Hindi ito ang kauna-unahang beses na nagbahagi ang mag-asawa ng content patungkol sa kung paano ang paggamot at pagpapalaganap ng awareness patungkol sa naturang sakit.

Ang stem cell therapy ay napag-aralang makatutulong sa pagdevelop ng lahat ng kulang na connections ng utak upang tuluyan na itong gumaling.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter