NAKA-house arrest na ang dating Myanmar State Counsellor na si Aung San Suu Kyi.
Ayon sa military government, ang nararanasang heat wave ang dahilan kung bakit naka-house arrest si Suu Kyi.
Maliban kay Suu Kyi ay naka-house arrest na lang din si Win Myint, ang dating pangulo ng bansa dahil pa rin sa matinding init ng panahon.
Nitong Abril 16 ay nasa 39 degrees Celsius ang naitala sa Naypyitaw.