MAGKAKAROON muli ng Aurora Music Festival sa Clark Global City, Pampanga ngayong Mayo!
Para sa mga mahilig sa musika, tampok sa 2-day hot air balloon music festival ang P-pop girl group na BINI bilang headliner.
Makakasama rin sa Day 1 ng festival sina TJ Monterde, Arthur Nery, Rico Blanco, BGYO at Moira Dela Torre.
Sa Day 2 naman ay magtatanghal sina Maki, Flow G, Over October, Dionela at Cup of Joe.
Ang Aurora music festival ay gaganapin ngayong May 3–4, 2025.