Aussie tennis player Nick Kyrgios, hindi tuloy sa singles ng Atlanta Open

Aussie tennis player Nick Kyrgios, hindi tuloy sa singles ng Atlanta Open

HINDI na tuloy si Australian tennis player Nick Kyrgios sa Atlanta Open Singles draw matapos nagkaroon ito ng problema sa kaliwang tuhod.

Nakatakda sanang maglaro si Nick Kyrgios at ang German tennis player na si Peter Gojowczyk kahapon, Hulyo 26 para sa opening round ng ATP 250 hardcourt event sa Georgia subalit ibinalita na nito ang kanyang kondisyon noong Martes.

Sa kabila nito, umaasa ang Australian tennis player na makalalaro siya sa doubles kasama ang kapwa Australian na si Thanasi Kokkinakis ngayong linggo.

Kasama naman si Kyrgios bilang wildcard sa Western & Southern Open, ang Masters 1000 event sa Cincinnati, Ohio.

Magsisimula ito 2 linggo bago ang opening ng US Open sa New York sa Agosto 29.

Follow SMNI NEWS in Twitter