Australia at New Zealand, binigyang suporta ang Ukraine kasabay ng pagdiriwang ng Anzac Day

Australia at New Zealand, binigyang suporta ang Ukraine kasabay ng pagdiriwang ng Anzac Day

BINIGYANG suporta ng Australia at New Zealand ang Ukraine kasabay ng pagdiriwang ng Anzac Day.

Libu-libong katao ang nagtipon-tipon sa Australia at New Zealand noong Lunes upang bigyang pugay ang military personnel noong Anzac Day.

Orihinal na inaalala ng Anzac Day ang madugong labanan sa Gallipoli Peninsula sa Turkey noong World War 1.

Noong Abril 29, libu-libong tropa ng Australia at New Zealand Army Corps ang lumapag sa Gallipoli Peninsula kung saan ang labanan ay tinatayang nagdulot sa pagkasawi ng 130 libong katao.

Dumalo sa dawn service si Australian Prime Minister Scott Morrison sa Northern Territory ng Darwin.

Nagbigay pugay rin ito sa mga tao sa Ukraine na lumalaban sa umano’y pananakop ng Russia.

Samantala, sa lugar ng Tasman Sea sinabi ni Prime Minister Jacinda Ardern na ang Russian invasion sa Ukraine ay nagpapakita na hindi dapat ipagwalang bahala ang kapayapaan.

Ang bandila ng Ukraine ay itinaas din noong Anzac Day sa dawn service sa Auckland Museum.

Follow SMNI NEWS in Twitter