NAGING matagumpay muli ang isinagawang concert ng OPM singers na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado sa Swan Italian Sporting Club sa Perth, Australia.
Bagamat last stop na ito sa kanilang “Sa Aking Puso” concert Australia leg, naging successful din ang Sydney at Melbourne schedules nito.
Sa nabanggit na concert, kinanta ng dalawa ang kanilang hit songs maging ilang classic OPM songs kasama ang maraming mga Pilipino bilang audience.
Matatandaang noong Agosto 2023 ay nagtapos na ang US leg ng kanilang concert sa North Hollywood, California.
Samantala, kasunod ng Australia leg ay tutungo muli ang dalawa sa North America para sa Canada leg ng kanilang “Sa Aking Puso” concert.