Australia ‘di hihinto sa pagtulong para mapalakas ang aviation security ng Pilipinas

Australia ‘di hihinto sa pagtulong para mapalakas ang aviation security ng Pilipinas

HINDI hihinto ang Australian Department of Home Affairs sa pagbibigay ng training at workshop upang mapaunlad ang kaalaman ng aviation security personnel ng Pilipinas.

Ayon sa Office for Transportation Security (OTS), dahil may mga direktang biyahe sa pagitan ng Pilipinas at Australia, kinakailangang magkaroon ng mas matibay na kooperasyon at pagbabahagi ng impormasyon upang maiwasan ang iligal na panghihimasok o terorismo.

Kamakailan, nagbigay ang Australian government ng 10 laptops sa OTS. Bago ito, una na silang namahagi ng 5 laptops na may X-ray tutor software.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble