Australia, gagawa ng national anti-corruption watchdog

Australia, gagawa ng national anti-corruption watchdog

GAGAWA ang Australia ng national anti-corruption watchdog na sisilip ng mga korapsyon sa gobyerno nito.

Sa isang statement ay inihayag ni Prime Minister Anthony Albanese at Attorney General Mark Dreyfus na ang hakbang ay magbabalik ng tiwala at integridad sa pulitika sa bansa.

Nakatakda namang laanan ang ahensyang ito ng 262 milyong Australian dollars sa loob ng 4 na taon.

Ang nasabing komisyon ang mag-iimbestiga ng seryoso o sistematikong korapsyon na makikita sa federal ministers, parliamentarians, political staff at empleyado o contractors ng gobyerno.

Magkakaroon naman ito ng retrospective powers at maaaring maglathala ng natuklasang korapsyon o di kaya ay ipadala ang kaso sa federal police at public prosecutors.

Maaari din magsagawa ng public hearings ang komisyon sa ilang mga sirkumstansya kung saan nakasentro ito sa pampublikong interes.

Ang matutuklasang korapsyon ng komisyon ay nakatakda namang ipadala para sa isang judicial review.

Follow SMNI NEWS in Twitter