Australia, naabot ang pinakamataas na daily rate ng naoospital dahil sa COVID-19

Australia, naabot ang pinakamataas na daily rate ng naoospital dahil sa COVID-19

NAABOT ng Australia ang pinakamataas na daily rate ng naoospital dahil sa COVID-19.

Noong Lunes, umabot sa higit 5,400 ang pasyente ng COVID-19 sa mga ospital kung saan nahigitan nito ang dati nitong rekord na 5,300 noong Enero.

Samantala, habang ang hospitalisasyon ay patuloy na tumataas, patuloy namang bumababa ang nasa intensive care unit.

Sa bilang na ito ng naospital, higit 2k ang matatagpuan sa mga ospital ng New South Wales.

Mula noong buwan ng Marso ang bilang ng naoospital sa bansa ay bumaba na sa 2k pero muling tumaas ngayong buwan ng Hulyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter