Australia, nagkakaroon ng shortage sa antibiotics

Australia, nagkakaroon ng shortage sa antibiotics

INIHAYAG ng drugs regulator ng bansa na Therapeutic Goods Administration (TGA) na ang tatlong karaniwang antibiotics na inirerekomenda gaya ng amoxicillin, cefalexin at metronidazole ay nauubos na.

Ang mga gamot na ito ay kadalasang ginagamit sa bacterial infections gaya ng pneumonia, iba pang sakit sa balat at urinary tract infections.

Para naman magkaroon ng gamot sa gitna ng shortage, binigyan ng TGA ng awtorisasyon ang mga pharmacist na magbigay ng alternatibong antibiotics kahit na wala pang pag-apruba mula sa doctor.

Ayon sa spokesperson ng ahensya, karamihan ng antibiotic shortage ay dulot ng manufacturing issues o hindi inaasahang pagtaas ng demand nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter