Australia, naglaan ng pondo para sa police deployment patungong Solomon Islands

Australia, naglaan ng pondo para sa police deployment patungong Solomon Islands

NAGLAAN ang Australia ng 46 million Australian dollars bilang pondo para sa deployment ng mga pulis sa kanilang kapitbahay na Solomon Islands.

Layunin ng deployment na tulungan ang isla upang hindi na ito humingi pa ng tulong mula sa iba.

Bunsod ito sa lumalakas na presensya ng China sa nabanggit na isla simula nang lumagda ang dalawa ng agreement sa unang bahagi ng taon.

Nauna nang ikinatakot ng Estados Unidos at ng Australia ang military presence na ito ng Beijing sa Pacific Islands.

Samantala, matagal na ring kinokonsidera ng Australia na may malaki silang impluwensya sa Solomon Islands kung kaya’t binibigyan na nila ito ng suporta hinggil sa ekonomiya at seguridad.

Follow SMNI NEWS in Twitter