Australia, nagsagawa ng National Day of Mourning para kay Queen Elizabeth II

Australia, nagsagawa ng National Day of Mourning para kay Queen Elizabeth II

NAGSAGAWA ng National Day of Mourning ang Australia para kay Queen Elizabeth II.

Pinarangalan ng Australia ang yumaong si Queen Elizabeth II sa National Day of Mourning ng bansa kahapon.

Ang focus ng seremonya sa Parliament Great Hall ay larawan ng dating Monarch ng Britain at Australia sa dilaw nitong damit na nababalot naman ng golden wattle motif na sinuot niya nang bumisita sa Australia taong 1954.

Ang pagkamatay ng Reyna noong Setyembre 8 ay nasabay naman sa Southern Hemisphere Spring kung saan mas nakikita ang mga wattle.

Idineklara ng gobyerno ang araw kahapon bilang isang public holiday na dinaluhan naman ni Prime Minister Anthony Albanese at Governor General David Hurley, representative ni King Charles III sa Australia.

Samantala sa pagdiriwang na ito ay sumabay naman ang ilang kilos protesta na nagsasabing hindi maganda ang naidulot ng kolonisasyon ng Britanya sa Indigenous Australians.

Follow SMNI NEWS in Twitter