Australia, pabibilisin ang pagbili ng high-tech sea mines

Australia, pabibilisin ang pagbili ng high-tech sea mines

PABIBILISIN ng Australia ang plano nito na bumili ng sea mines para protektahan ang maritime routes maging mga daungan nito mula sa potensyal na tensyon rito.

Ang tinatawag na ‘smart sea mines’ ay idinesenyo para alamin ang pagkakaiba sa pagitan ng military target at iba pang uri ng barko.

Kahit na hindi nilinaw ng Defense department ang iba pang detalye rito, inihayag sa isang ulat na ang Canberra ay gagastos ng isang bilyong dolyar para makabili ng high tech underwater weapons.

Ang Federal Government ay mag-aanunsyo na rin na malapit na itong pumirma sa kontrata na bibili ng maraming sea mines mula sa European weapons supplier.

Matatandaan na plano rin ng China na palakasin ang presensya nito sa Pasipiko.

Noong nakaraang taon, ang China ay pumasok sa isang security pact kasama ang Solomon Islands na nagdulot naman ng pangamba sa Estados Unidos at Australia.

 

Follow SMNI News on Twitter