PINURI ni Australian Ambassador for Counter-Terrorism Roger Noble ang “best practices” ng Pilipinas sa paglaban sa lokal na terorismo.
Ito ay kasunod ng courtesy call ng opisyal kay AFP acting vice chief of staff Vice Admiral Rommel Anthony Reyes sa AFP General Headquarters, Camp Aguinaldo, Quezon City.
Ayon kay Noble, maraming maaaring matutunan ang kanilang bansa sa Pilipinas sa usapin ng paglaban sa lokal na terorismo.
Sinabi naman ni Reyes na naging posible ito sa tulong ng gobyerno at publiko sa militar at sa pagpasa ng batas na nagpalakas sa paglaban sa insurhensya at terorismo.
Nagkasundo naman ang dalawang opisyal na palalakasin ang pagtutulungan ng Pilipinas at Australia sa larangan ng counter-terrorism at disaster response.