Australia, pormal nang iprinoklama si King Charles III bilang Head of State

Australia, pormal nang iprinoklama si King Charles III bilang Head of State

PORMAL na iprinoklama ni Governor General Dabid Hurley si King Charles III bilang Head of State ng Australia kasunod ng pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Ang proklamasyon ay isinagawa sa labas ng parliamento kung saan ang bandila ng Australia ay ibinaba sa full mast habang tinutugtog ng Australian Army Band Corps ang kauna-unahang rendisyon nito ng “God Save The King.”

Sa Government House inanunsyo ni General Hurley na ang Australia ay isang unfinished product at ngayon ay pumapasok na ito sa bagong era.

“Australia is an unfinished product, and is now entering a new era,” ayon kay General Hurley.

Nagkaroon din ng serye ng proclamation series sa iba’t ibang state parliament ng Australia noong Linggo.

Magkakaroon din ng National Day of Remembrance sa Setyembre 22 ang Australia na idineklara naman bilang one-off public holiday.

Maliban sa Australia, ang mga katabing commonwealth na bansa gaya ng New Zealand at Canada ay iprinoklama na rin si King Charles III bilang Head of State.

Follow SMNI NEWS in Twitter