Australia, pumirma ng military agreement kasama ang Fiji

Australia, pumirma ng military agreement kasama ang Fiji

PUMIRMA ang Australia at Fiji ng military agreement para palakasin ang defense cooperation nito sa gitna ng tensyon sa South Pacific Region.

Ang Status of Forces Agreement na pinirmahan ng Australia at Fiji ay magpapadali sa dalawang bansa na asistehan ang isa’t isa sa gitna ng krisis.

Ang military agreement ay pinirmahan ng Minister for Defense na si Richard Marles at Fiji Minister for Defense na si Inia Seruiratu.

Sa pamamagitan ng kasunduan na ito, magiging mas madali na ang kooperasyon sa operasyon ng mga militar ng dalawang bansa.

Bumabalot din sa kasunduan ang ilang praktikal na mga isyu gaya ng immigration at customs, criminal at civil jurisdiction sa visiting forces at arrangement ng visiting forces na magsuot ng mga uniporme habang nasa magkabilang bansa.

Samantala, pumirma rin ang Federal Government ng kasunduan kasama ang Cook Islands ngayong linggo.

Mas nagiging malapit din ang Australia at Papua New Guinea sa pamamagitan ng pagpirma ng security treaty na magpapalawak ng military ties nito.

Nilalayon naman ng Australia na palakasin ang military relationship kasama ang Fiji, Papua New Guinea at Tonga para tapatan ang lumalakas na impluwensya ng China sa rehiyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter