Australia, tuluyang sinuspinde ang defense cooperation sa Myanmar

Tuluyan nang sinuspende ng Australia ang defense cooperation nito sa bansang Myanmar dahil nag re-direct ng hindi makataong tulong dahil ang militar na ang pumalit sa gobyerno.

Pahayag ng Foreign Minister ng bansang Australia na si Marise Payne ay sinuspinde ng Australia ang defense cooperation program nito sa Myanmar dahil sa tumataas na death toll kaugnay ng mga kilos protesta sa bansa.

Inanunsyo ng Australia na ang pagsuspinde sa defense program ng Myanmar ay nagkakahalaga ng 1.5 Australian dollars higit sa limang taon.

Simula nang tanggalin sa pwesto si Aung San Suu Kyi ng mga militar ay nagkaroon na ng gulo sa nasabing bansa.

“we believe professor Turnell has been arbitrarily detained along with senior members of the Myanmar government including state counsellor Aung San Suu Kyi, including the President”

“we do not accept the conditions of his detention and the reasons for his detention. We seek a return to democracy. We seek absolutely the cessation of any armed violence against unarmed peaceful protesting civilians. And in everything we are doing we are seeking professor Turnell’s release,” pahayag ni Payne

Ang military coup na ito ay nag-trigger sa National Civil Disobedience Movement at nagdulot ng mga kilos protesta kung saan dose-dosena ang naitalang namamatay.

Ipinahayag ni Foreign Minister Marise Payne na tutol ang Australia sa pananakit ng militar sa mga sibilyan.

Ayon naman kay Anna Roberts, Executive Director ng London-based Burma campaign, tinatapos na ng Australia ang training program nito na hindi rin dapat nito sinimulan kahit noon pa.

Ito ay dahil sa mayroong bilateral na ugnayan sa pagitan ng Australia at militar ng Myanmar noon kung saan mayroong english language training ang bansa sa Myanmar sa kabila ng kaguluhan sa Rakhine state noong 2017.

Ayon sa Burma campaign, mayroon pa ring 12 na bansa na nagbibigay ng training sa militar ng Myanmar kabilang na ang China, India, Pakistan at Ukraine.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.