ISINALANG sa isang court trial sa Beijing ang Australian journalist at dating TV anchor na si Cheng Lei.
Si Cheng ay inakusahang nagsusuplay ng state secrets sa ibang bansa.
Sa kabila nito, inihayag ng kanyang pamilya na inosente lamang si Cheng.
Ang Chinese born na Australian na si Cheng ay nagtatrabaho sa Chinese State Media Outlet na CGTN bago pa idetine noong Agosto taong 2020.
Paulit-ulit namang nananawagan ang Canberra ukol sa kanyang pagkakakulong na dapat ay maabot ng Beijing ang standard ng hustisya.
Samantala, hindi naman pinapasok sa pagdinig ang Australian Ambassador to China na si Graham Fletcher at iba pang Australian official.