BIBISITA sa China ang treasurer ng Australian government na si Jim Chalmers.
Inaasahang ngayong Huwebes, Setyembre 26 lilipad papuntang Beijing si Chalmers para sa isang two-day visit.
Ito ang unang pagkakataon na mayroong bumisitang Australian government minister sa China na mula sa sektor ng ekonomiya sa loob ng pitong taon.
Senyales na anila ito sa muling pagbabalik ng magandang ugnayan ng dalawang bansa.
Matatandaang 2020 nang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa matapos ipinag-utos ng Australia na imbestigahan ang pinagmulan ng COVID pandemic.
Bilang tugon ng China ay nagpatupad ito ng ilang importation ban sa Australian products.