Austria, nangangailangan ng 75,000–200,000 manggagawang Pilipino sa iba’t ibang sektor

Austria, nangangailangan ng 75,000–200,000 manggagawang Pilipino sa iba’t ibang sektor

ANG Austria ay nangangailangan ng 75,000 hanggang 200,000 manggagawang Pilipino sa iba’t ibang sektor tulad ng healthcare, construction and engineering, information technology, tourism and hospitality kada taon.

Bukod pa dito, nangangailangan din ang Austria ng skilled tourism at hospitality workers, partikular na ang mga may vocational training gaya ng restaurant chefs, waiters, managers, gayundin ang unskilled workers kabilang ang kitchen assistants, waiters, housekeeping staff, buffet and bar staff, at pot washers.

In demand na rin ang mga trabaho na nasa sektor ng technicians sa ilang bahagi o probinsya ng Austria gaya ng data processing, building, high-voltage/low-voltage systems, business administration, at mechanical engineering.

Tiniyak ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na katuwang din ang host country na magkaroon ng karagdagang pag-unlad ng mga local Filipino sa merkado, hindi lang sa abroad kundi mismo sa Pilipinas.

Bukod diyan, wala ring babayarang placement fee ang mga Pilipinong manggagawa na matatanggap sa trabaho.

Samantala, pinapayuhan naman ang mga migranteng manggagawang Pilipino na nagpaplanong manatili sa Austria ng higit sa 6 na buwan na mag-aplay na sa programa ng Red-White-Red Card.

Ang programang ito ay nag-aalok ng residence at employment permit hanggang sa 24 na buwan at possible pang mapalawig.

Pangunahing gumagamit nito ay nasa larangan ng construction, engineering, at healthcare.

Ang mga aplikante ay ina-assess batay sa kanilang educational qualifications, work experience, at language skills.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble