Automation ng Barangay and SK Elections, ipinanawagan

Automation ng Barangay and SK Elections, ipinanawagan

INIHAIN ngayon ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang House Resolution 717 para pag-aralan ang posibilidad na gawing automated ang October 30 Barangay and SK Elections (BSKE-2023).

Sa resolusyon ni Barzaga, pinatitignan nito sa Kamara ang ‘possible automation’ para maiwasan ang human intervention sa paparating na botohan.

Bukod dito, mas mabilis din na makukuha ang resulta sa eleksyon kapag automated ang proseso nito.

Inaatasan naman ng resolusyon ang House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na magsagawa ng inquiry in aid of legislation sa posibilidad na gamitin ang Automated Election System sa BSKE-2023.

‘’Automated elections have proven to be economical as it can accommodate up to more than 1,000 voters per clustered precinct as opposed to the 500 voters per precinct in manual elections which entails hiring more personnel in manual elections,’’ saad ng resolusyon ni Barzaga.

Sa paparating na eleksyon, maghahalal ng tig-iisang barangay chairman, 7 barangay kagawad, 1 SK chairman at 7 SK members ang 42,022 na barangay sa buong Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter