‘Avatar: The Way of Water’ lumagpas na sa 2-B dollars sa takilya

‘Avatar: The Way of Water’ lumagpas na sa 2-B dollars sa takilya

LUMAGPAS na sa 2-B dollars ang kinita ng pelikula ni James Cameron na “Avatar: The Way of Water” matapos itong kumita ng 19.7-M dollars sa ika-6 nitong linggo sa North America ayon sa industry water na Exhibitor Relations.

Ito na ang pelikulang may pinakamalaking kinita matapos ang pandemic era na may accumulated ticket sales na 598-M dollars domestically at 1.42-B dollars internationally.

Samantala, umangat naman sa ikalawang puwesto ang family-friendly film ng Universal na “Puss in Boots: The Last Wish” matapos na kumita ng 11.5-M dollars noong nagdaang weekend. Avatar

Bumaba naman sa ikatlong pwesto ang scary-doll thriller na “Egan” mula rin sa Universal at Blumhouse Productions na kumita ng 9.8-M dollars noong weekend.

Follow SMNI NEWS in Twitter