Awareness campaign sa rice price cap sa MIMORAPA, ipinag-utos ng PRO

Awareness campaign sa rice price cap sa MIMORAPA, ipinag-utos ng PRO

IPINAG-utos ni General Joel Doria, direktor ng Police Regional Office 4B, ang lahat ng tauhan ng Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang awareness campaign hinggil sa ipinag-uutos na price ceiling sa bigas bilang bahagi ng bisyon ng Pangulo ng isang patas at inclusive rice market.

Ayon kay Doria, layunin nilang matiyak ang pare-parehong supply ng abot-kayang bigas sa MIMAROPA.

Hinikayat din niya ang publiko na suportahan at makipagtulungan sa pagpapatupad ng kautusang ito.

Samantala sakop ng MIMAROPA ang mga lalawigan ng Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble