INIHANDA na ng SMNI Foundation ang mga ayuda para sa mga biktima ng Bagyong Paeng.
Buhay na buhay ang diwa ng Bayanihan sa lahat ng volunteers ng SMNI Foundation nitong weekend.
Mangyayari kasi ngayong linggo ang sunod-sunod na relief efforts ng grupo katuwang ang People’s Republic of China sa pamamagitan ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Kaya kahit walang trabaho, heto at busy ang lahat sa repacking ng mga pagkain.
Balde-balde at nag-uumapaw na tulong ang asahan ng ating mga kababayan.
Ang bawat isa ay makatatanggap ng balde na puno ng relief goods na pwede agad maluto at maihain sa hapag kainan.
Bukod pa ito sa sako-sakong bigas at galon-galon na suplay ng inuming tubig hatid ng Galilee Purified Drinking Water.
Ayon sa Chinese Embassy, malaki ang tiwala nila sa SMNI Foundation sa pangunguna ni Pastor Apollo na maipaabot ang tulong sa mga nangangailangan.
‘’I would like to extend my sympathy to the people inflicted by the tropical storm recently across the country and we stay in solidarity with them. In order to help them we are very grateful for your cooperation of SMNI in extending our helping hand in reaching out to those people being affected by the tropical storm,’’ ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines H.E. Huang Xilian.
Subok na ang SMNI Foundation tuwing may relief efforts sa buong bansa pagkatapos ng bagyo at anumang sakuna.
Kaya sa ating mga kababayan sa San Juan Batangas at Bay Laguna, ang tulong na ito ay para sa inyo.
Samantala, katuwang sa relief efforts na ito ang Philippine Army.
Katunayan, mga naglalakihang Army trucks ang pagkakargahan ng mga ayudang ipamamahagi sa relief operation.
Personal namang sinalubong ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pagdating ng Army trucks sa KJC Compound.
‘’Sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng in coordination with SMNI and the People’s Republic of China who donated 4-million for our relief operations. So ito na yung magkakarga, itong mga truck na galing sa Russia. Sa mga nasalanta sa Cavite, sa Batangas, sa Laguna dito sa Luzon ‘yan. Iba rin yung sa Visayas, iba rin yung sa Mindanao. So, pasalamat tayo sapagkat tayo’y nakakatulong sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong sa mga panahong ito na nasalanta ng Bagyong Paeng. Take care!,’’ ayon kay Pastor Apollo.
Sa Visayas, sa Aklan at Capiz mamimigay ng tulong ang SMNI Foundation ngayong November 9.
Habang sa Mindanao, ang mga taga Datu Odin Sinsuat at Parang Maguindanao ang bibigyan ng tulong ngayong November 8.
Para sa mga nais magpadala ng tulong, narito ang contact information ng SMNI Foundation.