UMAAPELA ang isang party-list na bigyan agad ng tulong ang mga apektadong magsasaka sa pananalasa ng Bagyong Carina at hanging Habagat.
Partikular na hinihikayat dito ang national at local governments.
Sa pahayag ng Magsasaka Party-List, malaking kawalan sa hanapbuhay at sa food security ng bansa ang pinsala sa agrikultura lalong-lalo na sa MIMAROPA, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN at Caraga.
Kung pagbabatayan ang inisyal na ulat ng Department of Agriculture (DA), katumbas ng P157-M ang pinsalang natamo ng agri sector.
Sa panig ng DA, plano na nitong mamahagi ng 72,174 bags ng mga binhi ng palay; 39,546 bags ng mga binhi ng mais at iba pa sa mga magsasaka.