NAGPAHAYAG ng suporta ang Department of Health (DOH) matapos ipakilala ng Indian delegation ang kanilang Ayurveda health medicine.
Sa isang roundtable discussion na ginanap sa isang hotel sa Makati, sinabi ni DOH Usec. Maria Francia Laxamana na makatutulong ang Ayuveda medicine para sa Universal Health Care Law.
Makatutulong aniya ito sa prevention at promotion side ng batas.
Noong Abril 22 ay lumagda ang National Institute of Ayurveda, Jaipur at Philippine Institute of Traditional and Alternative Healthcare ng memorandum of understanding (MOU) para dito.
Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang lumagda sa MOU.
Ayon kay Usec. Lacsamana, ang Ayuveda medicine ay sinusuportahan mismo ng bagong kalihim ng DOH na si Sec. Ted Herbosa.