Lebak, Sultan Kudarat — Umarangkada ngayong araw ang ‘Ayusin Natin ang Pilipinas‘ Nationwide Campaign Rally sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat, kung saan tampok ang mga senatorial candidates mula sa PDP Laban DuterTEN Slate. Isa sa mga pinakatampok na personalidad ay si Pastor Apollo C. Quiboloy, na mainit na sinalubong ng mga residente.
Ipinakilala sa mga dumalo ang mga pangunahing adbokasiya ng slate, na nakasentro sa zero corruption, anti-drugs and criminality, at pagpapalakas ng edukasyon. Ayon kay Pastor Quiboloy, ito ang magiging laman ng kanyang legislative agenda kapag siya ay maupong senador.
Dumagsa ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang barangay ng Lebak upang personal na marinig ang mga plano ng mga kandidato. Ang rally ay sinabayan ng mga cultural presentation, community interaction, at distribusyon ng campaign materials.